MORAL: NAG-IIBA, LUMALALANG IMORALIDAD

Isang pagsusuri sa pelikulang likha ni Marilou Diaz-Abaya.

ANO ANG MORAL?

Ito ay ang pamantayan ng mga bagay na ginagawa ng isang tao kung ito ba ay tama o mali. Maaaring mahubog sa tahanan, paaralan, at sa paligid na ginagalawan ng isang tao. Nagiging modelo ang magulang, kaibigan, maging ang relihiyon, at mga asal na nakikita ng isang tao sa kaniyang kapwa (kaibigan mo man o hindi).

Ayon sa WIKIPEDIA, ito ay maaari rin namang tawaging kalinisan ng ugali, kalinisang asal, o kasanlingan. Samakatuwid, kabaligtaran nito ang IMORALIDAD.

4 NA MUKHA NG KABABAIHAN SA PELIKULA

nasaan ang kanilang moral?

irregular students sina Kathy, Joey, Sylvia, at MAritess. Nagkakakilakilala sila sa isang subject noong kolehiyo at simula noon ay hindi na sila naghiwhiwalay. MAhilig sila sa   gimmick na magkakasama, depende sa gusto nila – kung sa bar o sa bahay ng isa sa kanila. lahat sila ay naninigarilyo na tila isang normal na bagay lamang. Bagaman may mga ginagawang hindi nararapat para sa isang estudyante at may iba’t iba mang pinagdaanan ay nakagraduate pa rin silang sabay-sabay.

KATHY (attention catcher/seeker)

isa s’yang singer ng barkada. Noong simula pa lamang ay gustong-gusto na n’yang sumikat sa pamamagitan ng pagkanta kahit hindi gano’n kaganda ang kaniyang boses. Sa tulong ng isang kaibigan ay natanggap s’ya bilang singer sa isang bar kahit pa napilitan lamang ang may ari nito. kinuwestyon ang kaniyang pananamit – hindi man direktang sinabi subalit sa aking hinuha’y dahil masyadong konserbatibo ang dating at tila hindi naman makakaakit ng mga manonood. sa pagtagal ng kanyang pagpe-perform ay tila hindi na nagugustuhan ng mga tao lalong higit ng manager ng bar ang kaniyang ginagawa kaya naghanap na s’ya ng ibang maaaring magpasikat sa kan’ya. Napunta s’ya sa isang tomboy ngunit binitawan rin s’ya. Nang mapunta s’ya sa isang lalaking nagpapasikat ng mga mang-aawit, doon na nag-iba ang nais niyng mangyari – ang maging mahusay na mang-aawit. Ayon sa kanya, “I wan’t to be good this time. I don’t want to sing anymore if I can’t be good.”

JOEY (frustrated daughter)

S’ya ang tila pakawalang babae sa grupo. Nagda-drugs, naninigarilyo, nagmo-motel, kung kanikaninong lalaki sumasama at sumisiping, at hindi rin palaging pumapasok. Sabi ng isang naging boyfriend niya, ayon daw sa iba na si Joey ay “Babaeng walang aray – sawsawan ng bayan”. Kung saan saan rin siya natutulog. Parang isang NPA – No Permanent Address. Hindi s’ya mahilig sa bata kaya nang minsang pumunta s’ya sa bahay ng asawa ni Marites at kinulit s’ya ng pamangkin nito ay pinagalitan n’ya nang patago ang bata at pinagsabihang ‘wag na ‘wag na siyang hahawakan.

Nang mabuntis si Joey, ninais niyang ipalaglag ang batang dinadala niya. Nilapitan niya si Maritess at nangutang ng 1 libong piso ngunit ‘di s’ya pinautang dahil mali ang paggagamitan niya ng pera. Lumapit din siya sa kaniyang mama ngunit hindi pa rin muna siya binigyan ng pera sa halip ay nirekomenda sa isang psychiatrist na dati ring pinuntahan ng ina nang 11 years old pa lang si Joey. Doon nalaman ni Joey ang dahilan kung bakit iniwan sila ngunit ipinapakita niya na tila wala lang siyang pakialam sa mga naririnig niya. Naghanap siya ng sigarilyo ngunit wala, umiyak at umalis na.

Nakunan si Joey at naospital din. Matapos nito ay ipinasok siya ng kanyang mama sa isang orphanage bilang isang volunteer na pag-aalaga ng bata.

Sa kabilang banda, bagama’t kung kani-kaninong lalaki sumasama si Joey ay iisang lalaki lang talaga ang gusto at mahal niya. Si Jerry na isang aktibista at nakapangasawa rin ng isang aktibista.

Pansamantalang pinatuloy ni Joey ang asawa ni ay Jerry sa kanyang apartment nang magkasakit ito. Subalit nang mamatay si Jerry dahil nahuli sa pamumundok ay umalis na rin ito at ipinangakong unang pasasabihan si Joey kapag nanganak na.

Doon nakita ang unang beses na madamdaming pag-iyak ni Joey at ang pagyakap n’ya sa isang taong pinahalagahan na n’ya. At marahil bunsod na rin ito ng pagkamatay ni Jerry.

SYLVIA (single parent in a third party situation)

Maagang nagkaanak si Robert kay Sylvia hindi pa man ito nakakatapos ng kolehiyo. Sa mga gimmick nilang magkakaibigan ay kasakasama niya ang kaniyang anak lalo na kapag nasa bar. Bagaman hiwalay sina Sylvia at RObert ay sinusustentuhan naman ang babae ng lalaki.

Nang maka-graduate ay naging isang guro si Sylvia sa isang paaralan ngunit nag-resign din nang kwestyunin ng principal ang ‘di n’ya pagsusuot ng bra. Dahil isang guro ay inaasahan na siya ay maging isang model of behavior. Ngunit dahil hindi tanggap sa paaralan ang ‘di pagsusuot ng bra ay itinuturing na imoral ang kaniyang inaasal.

Nalaman ni Sylvia na may kalive-in si Robert na kapwa lalaki. Sa huling bahagi ay ipinakitang magkakasama na silang tatlo sa iisang bubong na mahihinuhang tinanggap na nila ang katotohanang may girl-boy (Sylvia & Robert) at boy-boy (Robert & Celso) relationship sa kanilang tatlo.

MARITESS

Ilang buwan nang buntis si Maritess sa kanilang huling taon sa kolehiyo. Habang nagtatrabaho si Dodo na kaniyang asawa, ay nag-aaral naman si Maritess at pursigidong makatapos ng pag-aaral.

NAng manganak siya ay nagtatalik sila ng Dodo sa tuwing gugustuhin ng asawa. Sa pagdaan ng panahon, dahil gano’n na lamang palagi ang nangyayari sa kanilang dalawa, ay nagsasawa na rin si MAritess sa mga nangyayari. Nakaramdam siya ng pang-aabuso at pagkapagod dahil sa umaga ay anak niya ang kaniyang inaasikaso at sa gabi naman ay inaasikaso ang asawa.

Ang mother-in-law naman ni MAritess ay nakaset na ang isip na walang silbi ang babae kung ‘di ito manganganak. Kaya naman marahil walang ginawa ang asawa niya na buntisin siya. Dahil din naman dito ay nasabi ni Cathy sa kan’ya na, “Ginagawa kang pabrika…dapat nag-strike ka na.

ANG KONSEPTO NG PEMINISMO

Tumutukoy ang Peminismo sa simulaing naghahangad ng pantay o parehas na karapatan para sa mga babae. Ito rin ang pagtangkilik o kilusang tumatangkilik ng mga karapatan ng mga kababaihan.

Bagaman ipinakita ang imoralidad na umiral sa mga tauhan, gaya ng pag-gimmick, paninigarilyo at pag-inom, pakikipag-away, pagda-drugs, ‘di pagsusuot ng nararapat isuot, at kung ano-ano pa ay nagpapahiwatig ito na nararapat lamang na pantay ang babae sa lalaki. Hindi lang ito basta-basta masasamang imahe. ipinahahayag nito na kung pa’no bigyang konsiderasyon ang lalaki ay gayon din nararapat sa mga babae.

Advertisements

FILM: Masahista (2005)

Ito ay isang pagsusuri sa pelikulang likha ni Brillante Mendoza na kilala rin sa pamagat na The Masseur.

Ang mga tauhang sina Iliac at Alfred/Marina Hidalgo ang mga pangunahing nagbigay buhay sa pelikula. Naging customer ni Iliac si Alfred sa Maharlika na matatagpuan sa bahagi ng Maynila. Tubong Pampanga si Iliac kaya naman marunong siya ng lenggwahe nito.

Ang pelikula ay nagkaroon ng parallelism kung saan mapapansing ang isa ay ang pangyayari nang may sakit pa lamang ang ama ni Iliac at ang pagkamatay niya.

Kapansinpansin ang diwa ng bagong taon na maaaring magpahiwatig ng pagbabagong maaaring mangyari sa lipunan. Pinatibay ito ng mga eksena mula sa pagwasak o pagsira ng luma at pag-usbong ng bago.

Ang buhay ni Iliac nang siya ay nasa Maynila bilang masahista ay ang mga pangyayari bago pa man ang mga eksena nang siya ay nasa Pampanga. Ngunit ang mga eksena sa Maynila ang may malinaw na sinematograpiya. Samantala, ang sinematograpiya na ginamit sa Pampanga kung saan nakatira ang kaniyang pamilya ay medyo malabo. Ang ganitong teknik o pamamaraan ay maaaring magpahiwatig na ang mga ipinakita sa Pampanga ay titibagin o matatabunan ng makabagong sistema na matatagpuan o lubos na masisilayan sa Maynila.

Ipinakita ang pagtangkilik ng mga taga Pampanga sa mga tradisyon gaya ng pagbasag ng itim na palayok sa tuwing may namamatay upang malaman kung may susunod pa, ang pagdarasal nang paulit-ulit sa pulaw, ang pagkakaroon ng pulaw kapag may namatay, ang hindi pagkatok sa haligi ng kabaong upang walang isama ang namatay sa kaniyang lubusang paglisan, at kung ano-ano pa. Maraming mga paniniwalang hindi na makatotohanan at nagpapalinlang na lamang sa mga tao.

Ang paglilibing marahil ay nagpapakita na ibabaon na sa limot ang mga nakaugaling ito sa Pampanga at isa na rin siguro ang ilang hindi nararapat na paniniwala sa mga nagay na kasangkot ang relihiyon. Makikita ang lubos na pag-aalis nito nang putulin ni Iliac ang hawak na rosaryo ng kaniyang amang pumanaw.

Matapos nito ay ang bagong kaugaliang matatagpuan sa Maynila na mayroong liberal na kasipan. Makikita ito sa mga kagamitang ginagamit sa tuwing sasapit ang bagong taon na siyang pahiwatig ng bagong buhay at kaisipan.

capture-20141008-225514 capture-20141008-225703

FILM: ANAK & FLOR CONTEMPLACION

OFW – Ito ay acronym para sa Overseas Filipino Workers. Ayon sa WIkipedia, ay mga Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa at inaasahang babalik rin sa Pilipinas kapag natapos na ang kontrata sa trabaho o kaya naman ay retirado na.

quinori_figure_countries_number_domestic_helpers_2012_20140603

Isa ang pagiging domestic helper (laborers and unskilled worker) sa mga uri ng trabahong maaaring makuha o tanggapin ng isang Pilipino. Ang domestic helper ay isang indibidwal na nagtratrabaho sa loob ng kabahayan ng kaniyang pinagtatrabahuhan/ amo. Ilan sa mga serbisyo sa bahay na kaniyang ginagawa para sa kaniyang amo at sa pamilya nito (kung meron) ay mula sa pag-aalaga sa mga bata hanggang sa matatandang nakadepende sa pagbabantay ng kanilang bahay (kasama ang paglilinis hanggang sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan nito). Ang iba pang mga responsibilidad ay ang pagluluto, paglalaba, pamamalantsa, pamimili ng mga pagkain at iba pang kagamitan, at ang pangangasiwa ng sambahayan. (Wikipedia)

Ang mga pelikulang Anak (2000) ni Rory Quintos at ang Flor Contemplacion (1995) ni Joel Lamangan ay parehong istorya tungkol sa domestic helper na magkaiba ang naging kapalaran sa buhay.

blog

Kung paanong binalewala si Flor ng Singaporean Embassy at binitay dahil sa kasalanang ‘di naman talaga niya ginawa at kung paanong binalewala din naman ni Carla (Claudine Barretto) ang paghihirap ni Josie (Vilma Santos) ay gayon naman binigyang halaga ng dalawang pelikula ang isang domestic helper. Binigyang buhay nito hindi lang mismo ang personal na buhay ni Flor at ni Josie kundi maging ang kalagayan ng isang gaya nila sa ibang bansa. Ang pangingibang bansa nila ay parehong naglalayong mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang pamilya higit sa lahat ay ang kanilang mga anak.

PAGKUKUMPARA

  Flor Josie
Asawa Nagkaroon ng kabit habang siya ay nasa Singapore Namatay ang asawa habang siya ay nasa Hongkong
Mga anak Russell – nabuntis

Sandrex

Junjun and Joel (twin)

Daday (Sheila May Alvero)

Michael (Baron Geisler)

Carla (Claudine Barretto) – nagrebelde

Malayo ang loob nila kay Josie.

Hindi ganoon kadaling maging isang OFW lalo na kung pagiging domestic helper ang trabahong iyong kakaharapin.

Anu-ano ba ang mga posibleng consequences nito?

  • Malalayo sa pamilya (sa asawa at sa anak)

Hindi personal na maaalagaan ang mga anak.

Maaaring mangaliwa ang asawa/ mismong s’ya ang mangaliwa.

  Hindi mababantayan o mamo-monitor nang maayos ang kalagayan ng pamilya.

  • Maaaring makaranas ng pagmamaltrato          Pananakit/pambubugbog

    Hindi pagpapasahos sa tamang petsa/hindi na talaga bigyan ng sahod

    Hindi na pauwiin sa Pilipinas (hindi ibigay ang passport)

    Hindi palabasin ng bahay at maaaring ‘di bigyan ng pagkain

Ang mga nakatala ay iilan pa lamang sa mga nangyayari sa mga DH base sa mga nababasa, napapanood, at nababalitaan. Paano pa kaya ang mga bagay na hindi naihahayag sa publiko o hindi talaga inihahayag.

Marami ang sumusugal sa ibang bansa para lamang kumita at bumuhay ng pamilya. Marahil hindi makita rito sa Pilipinas ang hiningang makapagbibigay ng solusyon at pag-asa upang mairaos ang pang-arawaraw na pangangailangan. Pero ang tingin ng iba’y napakababang uri ng mga DH, ng mga Pilipino. Ang tingin sa katulong ay alila. Para sa akin, ang katulong ay umaalalay o tumutulong lamang sa  kaniyang tinutulungan. Ito ay upang mapagaan at mapabilis ang trabaho lalo na sa gawaing bahay. Pero ang nangyayari ay hindi makatarungan. Kulang na lamang ay maging isang kutong titirisin.

Sa textbook na ginawa ng Hongkong, pag domestic helper ay Pilipino agad ang naiisip. Trademark ba?

ll

Ang sistema’y bulok. OO! Binubugaw ang mga Pilipino sa ibang bansa. Ang pakinabang ay nasaan? Sa iilang tao! Hayan ang mga Chinese at ang iba pang mga hindi Pilipino, nagkalugar sa Pilipinas, nagkanegosyo at patuloy ang pagkita ng pera. Eh ang mga Pilipino? Aba, nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Maraming OFW – hindi lahat ay nagiging maayos ang trabaho roon. Maswerte ka kung ituring kapag nakatagpo ka ng mabait na amo. Kung maayos ang sistema at ang namumuno sa demokratikong bansa (demokratiko kuno! alipin pa rin naman – alipin ng idolatriya at kung anu-ano pang -ismo) na ‘to ay masasapatan ang trabahong kinakailangan.

Halimbawa:

capture-20140929-162122

Hindi na LUBUSANG nabibigyan ng gobyerno ng importansya ang ating mga magsasaka bunsod na rin ng malayang kalakalang ipinatupad sa ating bansa. Kung umaani ng maliliit na bawang ang mga magsasaka sa Pilipinas samantalang malalaking bawang naman ang nai-import ay tiyak na mas mabibigyang pansin ang mga malalaking bawang na mula sa ibang bansa. Mas mabibili sa merkado ang imported kaysa lokal na bawang. Ang pagtangkilik sa imported at pagkakaroon ng kaunting produksyon ng lokal na bawang ay magbubunsod sa pagmahal ng presyo nito. Kapag hindi na kumikita ang mga nagtatanim ng bawang, ano kaya ang mga posibleng mangyari? Yung iba ay posibleng tumigil sa pagsasaka? mapipilitang mangibang bansa kung saan mas magiging maayos ang trabaho? makikipagsapalaran dito?

KAHIT KONTING AWA

Bakit ba ang naging waas ng buhay ko’y ito
Maling hindi ko nagawa “bakit nga ba ako?”
Kamatayan lang katumbas sa salang ‘di ako
“Katarunga’y bakit ba ganito?”

Kayrami ng katulad kong nasa ibang bansa
Inaapi sinasaktan kasama’y laging luha
Marahil nga ay ‘di kami ang tanging pinagpala
Nang maylalang dito sa balat ng lupa

Sinong mapalad, sino ang ka-awa-awa?
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit…na konting awa

Mayro’n pa bang naghihintay sa mga katulad ko
Mayro’n pa bang pag-asa na lumigaya sa mundo
Sana’y wag nang maulit ang isang katulad ko
Ang sala ng iba’y tinubos ko

Sinong mapalad, sino ang ka-awa-awa?
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit…na konting awa

Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit…na konting awa

Sinong mapalad, sino ang ka-awa-awa?
Kami bang halos ang buhay ay inialay sa bansa
Bagong bayani na ang sandata ay luha
Bigyan naman ninyo kami kahit…na konting awa

ANAK 

Noong isilang ka sa mundong ito

Laking tuwa ng magulang mo

At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo’y

Di malaman ang gagawin

Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay

Sa pagtimpla ng gatas mo

At sa umaga nama’y kalong ka

Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na

Nais mo’y maging malaya

Di man sila payag

Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago

Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila’y sinuway mo

Di mo man lang inisip na

Ang kanilang ginagawa’y para sa iyo

Pagkat ang nais mo’y

Masunod ang layaw mo

Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw

At ang landas mo’y naligaw

Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan

Ang iyong inang lumuluha

At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”

At ang iyong mga mata’y biglang lumuha ng di mo napapansin

Nagsisisi at sa isip mo’y

Nalaman mong ika’y nagkamali (3x)

Nagkataon lang ba talaga? Salamat dahil nagkasabay ang dalawang pelikulang ito. Parehong kwento ngunit magkaiba ang kapalaran. Ang isa’y tapos nang gamitin samantalang ang isa’y patuloy pa ring ginagamit at napagagamit upang matugunan ang pangangailangan. Subalit sa kabila nito, patuloy pa ring nagpapamulat at isinasampal ang sistemang patupad sa tao sa pamamagitan ng mga ganitong pelikula. Ginigising ang mga natutulog at nahuhumaling sa mga kiliting ipinapahayag ng mga namumuno sa demokratikong bansang kinulong pa rin naman ng mga kapitalista, imperyalista, at kaisipang idolatriya.

VIRGIN FOREST (1985)

Likha ni Peque Gallaga noong 1985 ang pelikulang Virgin Forest. Naganap ito noong panahon ng Republika ng pIlipinas kung kailan masinsing hinahanap ang kinaroroonan ni Emilio Aguinaldo ng mga sundalo ng Macabebe. Sa huli ay nahuli si aguinaldo at napatay naman ang mga sundalo. Ang pangyayaring ito rin naman ang nagtapos sa Filipino-American War. 

Matagal ding nasakop ng Espanya ang Pilipinas. Sa panahong magkakaroon ng engkwentro sa pagitan ng Espanya at Pilipinas ay dumating ang Amerika na tila magtatanggol sa Pilipinas. Ang mga panahong damang-dama ang galit, kawalang pag-asa, at pagkaawa sa sarili. Samantala, habang inaakala ng iba na may maayos nang samahan sa pagitan ng Amerikano at Pilipino, hindi namamalayan ng mga Pilipino ang imperyalismong binabalak ng Amerika. Nadaan sa kaliti, kaya nahuli ang kahinaan. Naaliw lang sandali ay lubos na’ng tiwalang naibigay.

Mula noon hanggang ngayon, hindi na maikakaila ang nalikhang katauhan ng Pilipinong napabobola sa mga taong minsang tumulong sa kanila. Masisisi mo ba? Eh kung nabuhay ka ng panahong ‘yon, ano ang posibleng gagawin mo?

Sa panahon ngayon, talamak pa rin ang pambobolang nagaganap. Kung noon, ang Amerika, bilang hindi taga-rito sa Pilipinas ay ginamit ang edukasyon upang lubusang mahuli ang loob ng mga Pilipino. Kung sa isang mangingisda, gumagamit s’ya ng pain upang mas mabilis na makahuli ng isda. Pagkain na yun para sa isdang nasa tubig, subalit pagkain naman s’ya o ang mas malala ay pagkakakitaan para sa mga mangingisda. Ngayon, kapansinpansin ang napakalaking utang na loob na masasalamin sa kasunduang meron ang Pilipinas sa Amerika. Halimbawa nito ay ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Pilipinas = kagubatan

Ang tatlong tauhang sina Chayong  ay representasyon ng Epansyol, Amerikano a Pilipino.

CURACHA: Ang babaeng walang pahinga (1998)

Nagtataka ka ba? Ang curacha na tinutukoy rito ay hindi ang partikular na uri ng alimangong kulay pula na matatagpuan sa kalaliman ng dagat sa Sulu. Hindi rin ito ang popular na sayaw (na impluwensya ng mga Espanyol) sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas partikular na sa rehiyon ng Visayas. Ang Curacha na nakasaad ay isang pelikula noong 1998 na likha ni Chito S. Roño sa panulat ni Ricardo Lee.

Ang kwento ay tungkol sa isang torera (live sex performer) na nagngangalang Corazon. Binansagan siyang Curacha dahil magaling daw s’yang makipagsabong sa kama.

Curacha- 98- Rosanna Roces-sf

Para sa akin, ang katauhan ni Curacha ay maihahalintulad sa bansang Pilipinas. Ang pelikula kasi ay sumasalamin sa kalagayan ng bansa noong panahon na may coup d’etat kung kailan may matinding iringan sa pagitan ni Ferdinand Marcos at Corazon aquino. Maaari rin sigurong pinakikitang pro-Corazon ang pelikula dahil may posibilidad na doon kinuha ang tunay na pangalan ni Curacha na Corazon.

Samantala, ikinumpara ni Curacha ang kan’yang katawan bilang mapa ng kaputahan sa Pilipinas: mula suso hanggang singit (ayon sa kanya). At ang lahat na raw yata ng bagay ay pumasok sa katawan n’ya at ang iba’y ‘di na lumabas. Gaya s’ya ng PIlipinas na buong loob na tinanggap ang mga dayuhan hanggang sa pag-nasaan na ito. Sa tingin nila’y mabibigyan sila nito ng lubos na kasiyahan. Sa tingin nila’y sulit ang makukuha nilang yaman kahit pa gumastos o gumugol sila ng oras at panahon para mapuntahan ito. Ang iba’y nawili kaya hindi na ninais pang umalis rito. Ang iba’y nagdala pa ng ibang mga bagay na makaiimpluwensya sa sistema ng katawan nito. Halimbawa na lamang ang sayaw na Curacha na impluwensya ng Espnayol. Hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala pa rin ito ng bansang Pilipinas sa ibang panig nito. Marami pa rin namang ibang mga impluwensyang iniwan ang mga dayuhang pumunta sa bansang ito. Isa lamang ang sayaw na Curacha na nakita sa pelikula.

Maaari rin namang maikumpara ang tinutukoy na kaputahan sa magulong sistema. Saan ka man tumingin, at sa’n mang bahagi ka man tumungo ay madadatnan mo ang magulong sistema ng Pilipinas. Tila noon ay may mga batas nang ipinapatupad kung saan kahit hindi na tama ay hindi pa rin tinatanggal.

Sa mga dayalogo ni coronel, sinusuportahan nito ang magulong sistema at mga pangyayari sa Pilipinas

Tingnan mo sa labas, iba na ang panahon.

Hindi mo na malaman kung sino ang mabuti.

Kung sino ang Dios, kung sino ang demonio.

Mahirap humanap talaga ng papanigan.

Dahil sa magulong nangyayari sa bansa, hindi na rin malaman maging ng ibang nasa posisyon kung sino ang kanilang papanigan. Kahit ang mga sundalo ay hindi rin tiyak kung sa’n ba dapat sila pumabor. Ang mahalaga lang raw ay handa sila kapag may putukan na agad namang inihambing ni Curacha sa kanilang mga torera na kailangang handa tuwing may putukan. Ipinapahiwatig nito na tila sumusugal sila sa tuwing may pagputok na mangyayari: kung mabubuhay pa ba o mamamatay na. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng iba na kapag ipinutok ng lalaki ang sandamakmak na sperm cells ay may posibilidad na mamatay ang mga ‘yon o may may isang makaligtas. Para bang pakikipagsapalaran.

Noong panahong iyon, humarap ang Pilipinas sa matinding pakikipagsapalaran dahil sa matinding hirap na nararanasan. Maraming putukan ang maririnig kaliwa’t kanan, Tila lito ang bawat isa at naghahanap ng madaliang solusyon sa panahon na punong-puno ang mga tao ng kawalang pag-asa.

Noon, tila naging kaaliwan ng mga tao ay ang bar. Ipinakita rin ang mga pangyayaring sinasabing simbolo ng mababang-uring sosyedad: ang pag-iihaw sa aso at ang batang babaeng may dalawang ari.

Sa kabila ng pagtigil ng kaguluhan, may naiwan pa ring tanong kay Curacha:

Lahat ng mga torero at torera, mga puto at puta, mga magsasampaguita at magdyadyaryo,

Kung iipunin ko kaya sila at sasabihin kong ligtas na ang Pilipinas, papalakpak kaya sila?

Ipinapakita pa rin ang duda niya. Para sa akin, pinapa-pansin sa mga manonood na sa kabila ng ng mga nangyari, ang ay nananatili at patuloy pa rin ang mga gaya n’ya (torero’t torera, puto’t puta, magsasampaguita’t magdyadyaryo) sa pakikipagsapalaran. Silang mga Pilipino na nakatira sa sarili nilang bansa ay haharap pa rin sa kaguluhang mayroon sa araw-araw nilang pakikibaka.

Ngunit bago matapos, nagkaroon ng bakas ng pag-asa si Curacha. Ipinakita iyon nang awitin ang “Lupang Hinirang” na s’yang pambansang awit ng Pilipinas hanggang sa kasalukuyan.

GOLD, SILVER, DEATH/BAD LUCK

“If a nation loses its storytellers, it loses its childhood.”

Peter Handke

Oro Plata Mata-83- PGallaga2-sf

Maagang namulat sa hirap. Wala pang masyadong alam sa mga bagay-bagay nang makaranas ng pasakit at pagmamalupit. Sa murang edad, kahit ninais na umunlad rin gaya ng iba, naging mailap ang kalagayan. Bagaman maginhawa sa una kung saan punong-puno pa ng yaman ang paligid na ginagalawan, dumating sa puntong kailangang isakripisyo ang kasaganaan upang kahit papaano’y makaligtas. Kinailangang iwan ang mga bagay na hindi lubos na kailangan. Tumakas at lumayo. Nagbabakasakaling hindi maranasan pa ang mga pagmamalupit. Subalit sa lugar na iyon din nalubos ang paghihirap at ang takot. Lumaban man at manahimik, walang ligtas sa panghahamak, inal’san rin ng kahihiyan.

Kaugnay ng sinabi ni Peter Handke, ang pelikulang Oro, Plata, Mata ay gaya ng isang storyteller. Ito ang nagsisilbing tagapagkwento upang mabalikan ng mga sumunod at susunod pang henerasyon kung ano ang nangyari sa nakaraang panahon. (Mabuti na lamang kasi hindi pa ako buhay noon.) Ipinakikita ang sitwasyon ng Pilipinas noong panahon bago pa ang giyera, nang magkagyera at nang matapos ang g’yera.

Marami ang naging mga storyteller, at isa ang pelikulang ito. Kung wala ang mga nagsisilbing tagapagkwento, marahil walang ideya ang henerasyon sa ngayon kung paano ang pagdurusa, at paghihirap na sinapit ng mga Pilipino noon. Noong maituturing na bata pa ang Pilipinas. (Wala pa kasing masyadong teknolohiya. Salat pa sa mga kaalaman kung ikukumpara sa mga nag-uusbungang mga bansa.)

ANG NAGBABAGONG KAPALARAN

Ayon sa sinaunang kasabihan ng Pilipino, ang Oro, Plata, Mata ay tumutukoy sa arkitektura ng bahay partikular na ang hagdan. Sinasabing hindi dapat ito magtatapos sa tatlong yugto dahil sinusundan nito ang anyo na oro (gold), plata (silver), at mata (death/bad luck).

Sa pelikulang likha ni Peque Gallaga noong 1982, may nakapaloob din namang pattern na masasalamin sa buhay ng mga bida. Mula sa buhay na masagana sa siyudad (oro), papunta sa masagana pa rin subalit nasa isang hacienda ng probinsya (plata), hanggang sa pagtira sa isang bundok kung saan nakaranas sila ng pagmamalupit at pambibiktima ng mga bandidong gerilya (Wikipedia).

Ang ORO

Nagsimula ang pelikula sa ipinagdiriwang na kaarawan ni Maggie Ojedas kasama ang kanyang pamilya at ilan pang mga kaibigang inimbitahan. Si Don Claudio Ojedas kasama pa ang kagaya niyang mga nagmamay-ari ng lupa ay pinag-uusapang ang paparating na digmaan. Si Trining Ojedas naman, kasama ang kaibigang si Manuel Lorenzos ay nasa hardin. Doon natikman ni Trining ang unang halik habang pinapanood sila ng dalawang bata mula sa itaas ng bahay. Samantala, naputol ang kasiyahan dahil sa balitang paglubog ng SS Corregidor bunsod ng minahan. Nagkagulo at nagsiuwi ang mga bisita.

Ang PLATA

Habang papalapit nang papalapit ang pagsalakay ng mga Hapones sa lugar na kinalalagyan ng pamilya Ojedas, nakatanggap sila ng imbitasyon mula sa pamilya Lorenzos na tumira sa kanilang hacienda sa probinsya.  . Noon pa man ay magkaibigan na ang pamilya Lorenzos at Ojedas. 

Si Nena Ojeda at si Inday Lorenzo at pinapanatili pa rin ang kanilang pamumuhay noong wala pang digmaan sa kabila ng reyalidad na kanilang dinaranas. Si Maggie naman ay namamanglaw dahil sa kaniyang katipan na si Pining na sinasabing nakasama sa SS Corregidor. Samantala, mula sa pagiging mga pilyong bata ay nagiging mapusok sina Trining at Manuel.

Dumating din sa hacienda sina Jo Russell at Viring.

Dahil na rin sa natatanaw na mula sa hacienda ang pagsugod ng mga kalaban, minabuti na nilang umalis at lumipat sa kabundukan. Hindi mapalagay ang marami sa pag-aasikaso ng mga dadalhing gamit hanggang sa nagsalita na si Don Claudio at iniutos na mahahalagang gamit lamang ang dadalhin. Si Viring ay sinigurado na ang pagdadala sa kaniyang mga alahas samantalang si Inday ay dinala ang malaking larawan na simbolo ng kanyang pananampalataya. Iniwan nila ang lugar kahit pa noong mga panahong ‘yon ay ‘di pa rin nakikita ang yaya nina Maggie at Trining.

Ang MATA

Habang nasa kabundukan ay may nagsidating na mga gerilyang puro sugatan. Pinangunahan ni Jo ang panggagamot sa kanila. Dahil na rin puro kababaihan silang magkakasama, mahina na si Don Claudio, at wala pa ring alam sa pakikibaka si Manuel ay minabuti nilang iwan si Hermes Mercurio. Si Mercurio ang pumoprotekta sa kanila samantalang walang magawa si Manuel.

Si Melchor, ang lubos nilang pinagkakatiwalaan, ay ninakaw ang alahas ni Viring. Nakapagbitiw s’ya ng mga salitang:

Hindi ko ninakaw ang mga alahas mo, kinuha ko lang ang  para sa akin.

Habang nagpapakasarap kayo dito maghapon, nagma-mahjong, lumalamon,

ako ang halos pagpawisan ng dugo sa kakakayod para sa inyo.

Yung singsing mo, bayad n’yo yun sa trabaho ko, karapatan ko

Sinubukan man ni Melchor na kunin ang simpatya ng iba niyang mga kasama suballit ni isa ay walang sumama sa kan’ya. Pinaalis siya dahil sa kaniyang mga nagawa.

‘Di naglaon ay bumalik siya na may mga kasama. Sinamsam nila ang mga impok na pagkain at ibang mga kagamitan ng pamilya Ojedas at Lorenzos, ginahasa at pinagmalupitan ang matapang at palaban na si Inday, at pinutol ang daliri ni Viring nang ‘di niya ibigay ang kanyang singsing at mga alahas. Nang nasain ni Melchor si Trining ay pinigilan siya ni Jat sinaing, “Wag yung bata, ako na lang.” Subalit mas pinili ni Trining na sumama sa mga bandido.

Pag-alis ng mga bandido ay naging matamlay na sila, ang mga taong naninirahan sa bundok. Tulala at walang sinoman, lalo na ang mga babae, na gumagalaw mula sa kanilang kinalalagyan sa bahay. Nakasara na rin ang kubo at walang ni sinag ng liwang ang pumapasok. Maging ang paglalaro ng mahjong ay wala na ring halaga sa kanila. Hanggang sa si Manuel na mismo ang nagumpisang kumilos. binuksan niya ang kubo at kinumbinsi ang mga kababaihan na maglaro ng mahjong. Muling nagkabuhay ang bahay.

Hinanap din naman nina Manuel at Mercurio ang kinalalagyan ni Trining. Kasabay nito ang pag-eensayo nila. Hanggang sa matagpuan nila ang kinalalagyan nina Melchor sa isang abandonadong ospital. Bagaman dalawa lang sina Mercurio at Manuel ay napatay nila si Melchor at ang napakaraming mga kasamahan nito, maging ang bata, kababaihan, at nailigtas nila si Trining.

Medyo OA na yung dulo. Hindi naman kapanipaniwala (para sa akin) na matalo nila ang sandamakmak na mga kaaway at dalawa lamang sila.

ANG BANSANG PILIPINAS AT ANG PILIPINO

SI VIRING. Para sa akin representasyon siya ng Pilipinas. Pilipina sna noong una ay kitang-kita na sagana sa yaman. Ang ibang hindi makikita sa kan’ya ay nakatabi. Lubos niya itong pinangangalagaan. Subalit dahil may traydor na nilalang ang inakalang kakampi ay nasira ito. Nasira ang iniingatang Pilipinas. Kinamkam ang mga yaman nito. Sapilitang dinungisan at pinagmalupitan ang pagkatao. (Gaya ng pagputol sa kamay ni Viring para lamang makuha ang singsing. Ang pananakit sa kanya upang makuha ang kanyang mga alahas.)

SI TRINING. Mahalagang papel ang ginampanan niya. Ang kasintahan ni Miguel at kapatid ni Maggie. Ipinakita niya ang pagpapasakop dahil sa takot. Ang humarap sa matinding kahihiyan sa halip na habambuhay na mabuhay sa takot. Dahil ayaw niyang sapitin ang gaya ng sinapit ng iba pang mga Pilipino ay pinili niyang magpagamit upang mailigtas ang sariling buhay. Hindi man niya ito gusto subalit sa tingin niya ay iyon na lamang ang natatanging paraan upang makaligtas. Pinatunayan niya ito sa kanyang mga sinabi na:

Kapag takot ka, hindi na importante ang hirap.

MAS MADALING KALIMUTAN ANG HIYA KAYSA SA TAKOT

Mahal ko si Miguel pero mas mahal ko ang sarili ko.

SI MANUEL. Mula sa pagiging inosente at duwag ay natutong makipaglaban. Isa s’ya sa mga representasyon ng pagiging Pilipino sa pelikula. Sinasabing mataas ang moralidad ng mga Pilipino noon pa man. Napatunayan ito nang ipakita ni Manuel ang karakter na tila isang nakakapanibagong bagay nang nakahalik na s’ya. [Gayon din naman si Trining noong unang magdampi ang mga labi nila ni Manuel. Wala pa s’yang alam na kahit ano tungkol sa ganoong bagay. Kaya nga nagtatanong pa s’ya sa kapatid niyang si Maggie.] Si Luisito, ang kaedaran ni Manuel na tila marami nang karanasan ang pinagtatanungan niya.

Nang mapunta naman sa bundok ay walang kaalam-alam si Manuel tungkol sa pakikipaglaban. Hindi niya magawang pumatay. Subalit bunsod na rin ng mga pangyayari, lalo na ang pagdakip kay Trining at pagsugod nina Melchor sa kanilang kubo ay napilitan siyang makipaglaban. Kahit tila ayaw siyang payagan ni Maggie na noon ay naging kasintahan niya ay sinambit niyang hindi niya iyon ginagawa para sa kanyang sarili.

Ang paru-parong dumapo sa larawan ni Kristo, nakatapat pa sa puso. Ayon sa mitolohiya, ang paruparo ay simbolo ng pagbabago.dahil sa kahanga-hangang prosesong pinagdadaanan nito bago pa man lubusang maging paruparo. Marahil ipinapakita sa pelikula, na gaya ng isang paruparo ay dumanas din noon ag Pilipinas at ang mga Pilipino ng matinding pagbabago. Naranasan maging ang pinakapangit na kalagayan subalit sa huli ay hayon at naging isang magandang paru-paro. Ang Pilipinas, kahit pa anong hirap at dusa ang napagdaanan ay narito at umuusbong pa rin ang magandang katangian nito. Sa kabila ng matitinding pagdurusa ay patuloy na lumilipad, patuloy na sumasabay sa paglipad ng iba pang mga bansa. Dumadating sa puntong napipilayan ng pakpak ngunit patuloy na bumabangon. May ilan mang mga Pilipino ang mamatay bunsod ng iba’t ibang kadahilanan subalit patuloy pa rin naman ang panganganak ng panibagong nilalang gaya rin naman ng isang paruparo.

Ang mahjong ng madre de pamilya ng Ojedas at Lorenzos, at ng dalawa pa nilang kaibigan. Sa kabila ng gyera, maging bago pa man ito dumating, ay nagsilbing libangan na nila iyon. Tila pampaalis ng kaba at takot. Isa ring paraan upang lumayo sa reyalidad. Ang mahjong na nariyan mula umpisa hanggang sa huli. Isang laro na pansamantalang maglalayo sa reyalidad, pansamantalang mag-aalis ng takot at magpapalimot ng problema. 

Ang apoy sa pag-alis sa hacienda. Ayon pa rin sa mitolohiya, ang apoy ay tumutukoy sa bagay na nagpapa-alab ng damdamin, nagpapakilos ng katawan, nagpapabilis ng pag-iisip at nagpapaangat ng espiritwal na pagkatao. Habang papaalis na ang pamilya Ojedas at Lorenzos maging ang kanilang dalawang kaibigan at mga katukatulong ay kasama sa pag-alis. (Ang ganda ng effects do’n) Marahil ito ay nagpapakita na halo-halong pakiramdam ang mayroon sila noong panahon iyon. Ang diwa nila ay gising na gising at tila nag-uudyok sa kanila na huwag tumigil lamang sa isang sulok kundi magpatuloy sa paglalakbay hanggang sa maabot ang sa tingin nila’y ligtas na lugar. 

Bunga ng g’yera sa tao: LUMABAN, SUMUKO, at KUMAMPI

LUMABAN. Lumaban kahit hindi sigurado sa kalalabasan. Kahit pa puno ng takot ang kalooban. Lumaban para makaligtas at mailigtas ang mga taong walang kakayahang lumaban.

SUMUKO. Sumuko kahit hindi tanggap ng kalooban. Sumuko upang huwag nang maramdaman pa ang labis na pagpapahirap.

KUMAMPI. Kumampi upang hindi na itratong kalaban. Isang kalabang pinahihirapan at pinagmamalupitan. Kumampi at hayaang gamitin at gawing tanga ng mga manggagamit lang. Kumampi bunga ng takot na nararamdaman.

Ang pinakamatindi ay ang gawing hayop ang mga tao nang panahong iyon. 

“Ang digmaang ito, ginawang hayop tayong lahat…” – Trining

1. Nawalan ng kahihiyan. Sumama si Trining kay Melchor at nagpagamit. Sumiping din diya kay Mercurio.

2. Gaya ng isang ahas, si Trining ay nagtaksil kay Manuel,  sumiping sa hindi niya katipan, samantalang si Manuel at Maggie naman ay nagdampi ang mga labi nang panahon kasintahan pa ni Manuel si Trining.

3. Nagkakagatan at nagpapatayan. Nakita sa pelikula ang pagtatraydor ni Melchor sa kanyang dati rating pinagsisilbihan. Isa pa’y makikita naman ang pagpatay sa mga tao ano mang edad o kasarian, mapabata o mapamatanda, mapababae o mapalalaki.

4. Ang kawalan ng moralidad. Tila isang hayop na walang sariling pag-iisip. HIndi makapagpigil na kapag dinatnan ng tawag ng laman ay gagawin ang maibigan. Masaya pang naka-ano na sa murang edad. (si Luisito)

5. Gaya ng isang hayop, ang iba’y naging tila mga sunud-sunuran. Ang hayop, dahil walang kakayahang mag-desisyon at alamin kung ano ang tama o mali, ay ginagawa ang mga bagay na pinapagawa sa kanya. Kung saan magpunta ang itinuturing na amo ay doon din s’ya. Kung ano ang ginagawa ng amo ay ginagawa rin niya. Balewala naman sa kanya kung mabuti ba iyon o hindi.

6. Ang isang taong may prinsipyo, mamatay man na nakikipaglaban ay ayos lang. Mas mainam na kaysa sa mga taong naduduwag na nagpapakasarap pa.

-end-